"Gawin Mo sa Kapwa Mo ang Nais Mong Gawin sa Iyo"
Isa sa mga kagandahang aral sa Kristianismo na tinuro ng ating Panginoong Hesus ay “Gawin mo sa kapwa mo ang nais mong gawin sa iyo.” Itong utos ng Diyos ay isang napakalawak ng gabay sa lahat ng aspeto ng buhay. Unahin natin ang pinakamahalaga: kung nais mong mahalin ka ng kapwa mo ay nais mahalin. Walang sinuman ang may gusto na di-mahalin. Walang sinuman ang may gusto na di-mahalin, makalimutan, maisang-tabi, kadirihan, kainisan, masaktan. Ang gusto ng tao ay mabuting kabaligtaran ng mga ito. Kaya sa Kristianong asal tinuraan tayo na gawin sa kapwa ang pagmamahal, pag-aalala sa kapakanan ng bawat isa, pagbibigay ng importansya, malapitan, kagiliwan, at pag-aaruya.
Sa bawat sitwasyon nagagamit ang asal na ito. Halimbawa, nakakita ka ng nawawalang pitaka na may maraming laman ng pera. Tanungin mo sa sarili: “Kung ako ang nakawala ng pitakang ito, ano ang nais kong mangyari dito?” Isauli sa iyo, hindi ba? Kaya, ang dapat mong gawin sa kapwa ay isauli ang pitaka. Kung nakakita ka ng isang naglilimos at napakagutom na bata kung saan ang kanyang suot ay sirang-sira na, isipin mo muna. Kung ikaw ang batang iyon, ano ang gusto mong gawin sa iyo? Syempre, gugustuhin mo ng pera, pagkain, damit at tsinelas. Kung gayon, iyan din ang nais ng bata at iyan ang dapat mong bigyan sa kanya.
Ito ay malapit sa katuruan ni Kong Fuzi:”Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo.” Negatibo ito habang ang asal Kristianismo ay positibo at nakakaantig-puso. Tinuruan kang gumawa ng positibong aksyon. Ang katuruan ni Kong Fuzi ay nagtuturo sa iyo na huwag kang gumawa ng masama ang hindi pag-aksyon kung ito ay masama. Parehong tama ngunit sa opinyon ko, mas may bungang kabutihan ang “Gawin mo sa kapwa mo ang nais mong gawin sa iyo.”
Background:
http://wallpapercave.com/wp/Hzd43FV.jpg
Sabihin natin na nagkasala sa iyo ang iyong kaibigan at gusto mong bumawi sa kanya. Ngayon isipin mo kung ikaw ay nagkasala sa iba, ano ang gusto mong gawin nila sa iyo? Malamang sa hindi, gusto mong mapatawad ka at huwag kang mabawian ng masama. Ito na nga ang siyang nararapat na gawin mo, ang patawarin ang nagkasala sa iyo at huwag kang gumanti ng masama.
May kaklase na binubully, tinutukso, at dahil dito siya ay parating nagiisa, walang kasama at kakampi. Nagiisip ka ngayon kung tutulungan at ipagtanggol mo siya ngunit maari kang mapasama sa iba mong kaklase na siyang tumutukso sa kanya. Ayon sa gintong aral ng kristiyanismo, ilagay mo ang sarili mo sa sitwasyon nung naapi. Kung ikaw ang naapi, ano ang gusto mong gawin sa iyo? Natural na magdadasal ka na may sasaklolo sa iyo, na may kaklase kang tutulong sa iyo at ipagtatanggol ka, kaibiganin at kampihan. Kaya ang dapat mong gawin ay tulungan ang kaklase mong naapi, ipagtanggol at kaibiganin siya.
Mayroon kang pinsan na paslit na sobrang kumukulit sa iyo. Inis na inis ka na at gusto mong pagalitan at iwasan. Ngayon, ilagay mo ang sarili mo sa kanyang situwasyon. Kung ikaw ay paslit ulit, ano ang gusto mong gawin ng nakakatanda sa iyo? Ito ay ang bigyan ka ng atensiyon, bigyan ka ng laruan at makipaglaro sa iyo. Datapwat, huwag kang mainis sa pinsan mong paslit ngunit bigyan mo siya ng pagmamahal at atensiyon. Hanapin mo ang mga napaglakihan mo ng laruan, ibigay mo ito sa kanya at makipaglaro ka sa kanya.
Sa wakas, ang Kristiyanong aral ni Hesus na “Gawin mo sa kapwa mo ang nais mong gawin sa iyo.” ay isang mahalagang aral na dapat natin sundin upang matamo natin nang mabuti ang ating ninanais. Maraming tayong ninanais at ganoon din ang ibang tao. Lahat tayo ay nagnanais ng pagmamahal at kaligayahan at wala sa atin ay gustong masaktan at makaramdam ng kalungkutan. Ang pakikiramay sa paraan ng pagbibigay ng nararapat at ninanais ng isang taong nangangailan ay ang pagsunod sa aral na ito. Kaya, kung may nakita kang taong nasaktan o nahihirapan, ano gagawin mo?
Sa wakas, ang Kristiyanong aral ni Hesus na “Gawin mo sa kapwa mo ang nais mong gawin sa iyo.” ay isang mahalagang aral na dapat natin sundin upang matamo natin nang mabuti ang ating ninanais. Maraming tayong ninanais at ganoon din ang ibang tao. Lahat tayo ay nagnanais ng pagmamahal at kaligayahan at wala sa atin ay gustong masaktan at makaramdam ng kalungkutan. Ang pakikiramay sa paraan ng pagbibigay ng nararapat at ninanais ng isang taong nangangailan ay ang pagsunod sa aral na ito. Kaya, kung may nakita kang taong nasaktan o nahihirapan, ano gagawin mo?
Sa aking opinion, ang sinasabi ng gintong aral ng Kristyanismo ay sa lahat ng bagay, ilagay mo ang sarili mo sa kinakatayuan ng kapwa mo. Isipin mo kung ano ang gusto mong gawin nila sa iyo at ito ang siyang nararapat na gawin mo. Ang gintong aral ay nagsisilbing gabay mo sa mga gawain mo sa kapwa upang magbunga ka ng mabuti. Sa paraan na ito nagbibigay tayo na luwalhati sa Diyos na siyang puno ng ubas at tayo ay tunay sa sanga na nagbubunga ng maraming ubas.
Background:
http://wallpapercave.com/wp/Hzd43FV.jpg